from my Formspring account
Wala namang problema kung ma-in love ka sa iyong matalik na kaibigan. Tao ka lang naman na umiibig at tao rin naman siya na iibigin. Mahirap ma-in love sa iyong bestfriend, dahil ito na ang panahon na mamimili ka kung siya ay mananatiling isang bestfriend o 'di kaya ay higit pa. Dalawa ang maaaring maging resulta: Win-Win situation or Lose-lose situation, sa madaling salita, isa itong sugal. Kapag minahal mo siya at minahal ka din niya at nag-work out ito, Win-Win. Ngunit kapag kabaligtaran, sabihin mang "Sana friends pa din tayo", Lose-lose situation na. Hindi na maaalis pa ang lamat na sinapit mula sa "pagkatalong" iyon. Sana ay nalinawagan ka sa aking isinagot. Isang paalala lamang, hindi ako isang Ph.D sa pagbibigay ng mga sagot patungkol sa pag-ibig. Puso lang ang aking puhunan. Pusong nais tumulong sa mga pusong naghahanap ng kasagutan sa kanilang mga katanungan.
Entry tags:
Mahal, Twitter, bestfriend, doctor love, formspring, LOVE, Facebook
Spreading the Word: These entries might be interesting for you:
0
3
Comment successfuly posted!
No comments yet
Comment successfuly posted!
|


